NAGPAHAYAG ng opinyon si Pastor Apollo C. Quiboloy patungkol sa mungkahing ihinto ang free college education program.
Dapat tanggalan ng libreng tuition ang mga unibersidad na sumusuporta sa komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ nang tanungin patungkol sa isyu ng paghinto sa free college education.
Sa kaniyang programang Give Us This Day nitong Huwebes, ani Pastor Apollo, hindi dapat lahatin ang mga unibersidad na dapat tanggalan ng libreng edukasyon.
Bagkus ay mga unibersidad na lantarang sumusuporta lamang sa makakaliwang grupo dahil hindi makatarungan ang kanilang ginagawa.
“’Yung state university tulad ng UP na hindi pinipigilan ang makakaliwang grupo na mag recruit para sa CPP-NPA-NDF, ‘yun ang dapat kunan ng tuition pero ang mga state of university na pinipigilan ng ganito ay ‘wag,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.
Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na “anti-poor” umano ang universal access to quality tertiary education o free college education dahil nangangailangan ito ng malaking pondo.
Pastor ACQ, pabor sa pagtanggal ng mga dekorasyon sa mga silid-aralan
Samantala, pinaboran naman ng butihing Pastor ang direktiba ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na gawing malinis, walang dekorasyon, tarpaulin at poster ang loob ng mga silid-aralan.
Ito ay upang mas maka-pokus ang mga estudyante sa pag-aaral.
Kaugnay dito, nagpahayag din ng pagsuporta ang butihing Pastor sa bise presidente.
“Tama, para walang distraksiyon at walang makapagsabit ng hindi kinakailangan. Magaling ang sinabi ng ating Education Secretary at VP Sara Duterte. We support her for that,” ayon pa kay Pastor Apollo.