IPINAG-utos na ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong ang masusing imbestigasyon sa pagtakas ng isang bilanggo na nakilalang si Ramie dela Cruz y Guzon, 34 anyos na nakatira sa lungsod ng Taguig.
Ayon sa isang source, humingi na ng tulong sa PNP ang MIAA matapos na makatakas ang naturang bilanggo sa loob ng detention cell ng Airport Police (APD) Headquarters.
Ayon sa report, Enero 28 ng hapon nang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagsuot ng ulo nito sa bakal na rehas, sa itaas na bahagi ng maliit na kulungan at tumalon mula sa mataas na pader sa likod ng APD Headquarters.
Sinamantala naman ng preso ang pagtakas habang abala at nagpapalitan ang dalawang guwardia sa pagduty at hindi ito agad napansin.