NAKATAKDANG maglaan ang basketball icon na si Michael Jordan ng record-breaking na 10 million dollar donation sa Make-A-Wish Foundation upang ipagdiwang ang kanyang 60th birthday ngayong Linggo.
Nais ni Jordan na matupad ang mga kahilingan ng mga batang edad 2-18 taong gulang na nakikipaglaban sa mga malubhang sakit.
Si Jordan na mayroong 6 NBA championship title ay matagal nang nagbibigay ng donasyon sa nasabing foundation na nagsimula pa noong taong 1989.
Ang donasyon ni Jordan ay gagamitin upang makagawa ng endowment upang makatulong na tuparin ang mga hiling ng mga kabataan sa hinaharap na mayroong malubhang karamdaman.
Si Jordan ay itinuturing ng karamihan na pinakamagaling na basketball player sa kasaysayan na mayroong 6 na NBA finals MVP awards na bukod sa kanyang championship titles.