ISINILBI ng mga kapulisan ng San Mariano Police Station sa Isabela ang warrant of arrest laban sa isang miyembro ng CTG na nasugatan sa nangyaring engkwentro noong Pebrero 13, sa Sta. Margarita Baggao, Cagayan.
Kinilala ang akusado na si Yusida Orion alias Brown, na may kasong tatlong bilang ng attempted murder.
Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon na may nailabas na warrant of arrest laban sa rebelde noong Hunyo 5, 2022 mula sa sala ni Judge Isaac de Alban ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 16, Ilagan City, Isabela.
Sa ngayon ay ginagamot sa Camp Melchor F. dela Cruz Station Hospital si Ka Brown na iniwan ng kaniyang kasamahan makaraan ang nangyaring magkasunod na engkwentro.