ISA ang technology company na Microsoft sa mga posibleng magkokontrol sa social media platform na TikTok sa Estados Unidos ayon kay U.S. President Donald Trump.
Paraan ito upang matulungan ang app na hindi maapektuhan sa posibleng official ban nito sa Abril.
Matatandaan na noong Enero 19 ay ipinatupad na sana ang ban nito at maaari lang pahintulutan muli ang paggamit ng TikTok kung ibebenta ang app sa isang hindi Chinese national.
Rason ng nationwide ban ay ang pagtitiyak ng national security lalo na’t pagmamay-ari anila ang TikTok ng mga Chinese.
Ngunit sa kaparehong araw ay inalis lang din ang nationwide ban sa ilalim ng utos ni Trump.
Sinabi na ni Trump na siya mismo ang hahanap ng solusyon sa isyung kinasasangkutan ng TikTok.