MAY mga pangalan nang ikinokonsidera para maging susunod na press secretary ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ito ay kasunod ng pagbitiw sa pwesto ni dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa problema sa kalusugan.
Sa isang panayam sa telebisyon, inamim ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na isa siya sa mga inalok sa nasabing posisyon.
Gayunpaman, sinabi ni Chavez na wala pa siyang sagot ukol dito.
Ilan din aniya sa ikinokonsidera pa bilang press secretary ay sina Mike Toledo at Gilbert Remulla.