90% backlog sa plaka, tatapusin sa katapusan ng 2023 –LTO

90% backlog sa plaka, tatapusin sa katapusan ng 2023 –LTO

TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90% na produksyon ng mga backlog ng plaka ng sasakyan sa katapusan ng taong 2023.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang taon.

Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng pribadong kompanya.

Nasa 2.3 milyong pares ng replacement plates ang kailangang matapos habang nasa 11.5 milyon ang backlog naman sa mga plaka ng motorsiklo.

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management ang P4.7-B pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan bagamat ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-B.

Follow SMNI NEWS in Twitter