MISSING ang isang military helicopter ng Guyana lulan ang pito katao nitong December 6, 2023.
Nawala ito malapit sa border ng nabanggit na South American country at Venezuela.
Maaaring ang masamang panahon ang dahilan kung bakit nawala ito dahil ayon sa mga otoridad ng dalawang bansa, walang indikasyon ng foul play.
Sa kabila ito ng namumuong tensyon sa pagitan ng Guyana at Venezuela dahil sa oil deposits ayon kay Guyana Army chief Brigadier General Omar Khan.
Ang missing military helicopter na Bell 412 EPI ay huling nakontak ng Guyana Defense Force noon Miyerkules, December 6 matapos naglanding para mag-refuel.
Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang insidente.