BILANG bahagi ng kanilang pre-anniversary activities, pinangunahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ika-88th AFP Anniversary Fun Run araw ng Huwebes Dec. 7, 2023.
Mismong si Chief of Staff, AFP, General Romeo S. Brawner Jr. ang nanguna sa aktibidad na ginanap sa Lapulapu Grandstand, Camp Aguinaldo.
Kasama sa mga lumahok ang mga kinatawan ng uniformed personnel at Civilian Human Resources ng AFP Major Services, Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni General Brawner Jr. sentro aniya ng aktibidad ang mapalakas pa ang kakayanan ng mga sundalo at personnel nito at katatagan ng organisasyon.