Military service ni Jin ng BTS, magtatapos na sa susunod na linggo

Military service ni Jin ng BTS, magtatapos na sa susunod na linggo

SA Hunyo 12 na ang discharge date ni Jin ng BTS mula sa kaniyang mandatory military service sa South Korea.

Dahil dito ay sasali na ang singer sa 2024 Festa ngayong Hunyo 13 sa Jamsil Arena, Jamsil Sports Complex sa Seoul.

Magkakaroon ng dalawang sessions ang event kung saan ang una ay magsisimula alas tres ng hapon habang alas otso ng gabi ang pangalawa.

Si Jin ang unang BTS member na nag-enlist sa grupo noong Disyembre 13, 2022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble