MULA sa buong pangalan, address, birthday, cellphone number, medical records at iba pang personal na impormasyon hanggang sa mga government IDs at birth certificates, uploaded na umano sa dark web ang datos ng mga Pilipinong nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.
Ito ay matapos na-hack ang isang database mula sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay Karla Cruz na isang security analyst, aabot sa 189 milyon na data sets ng milyun-milyong Pilipino ang na-leak sa dark web.
“Imagine mo yung tao kasi from aged 5, essentially di ba we are vaccinating all the way to our seniors,” pahayag ni Karla Cruz, Senior Security Analyst.
“We were so busy I guest trying to deal with yung COVID na hindi natin naisip ‘yung importance ng security noong time na yun,” ayon kay Karla Cruz, Senior Security Analyst.
Dahil nasa dark web na ang mga nasabing datos, maraming mga panganib itong dala ayon kay Cruz.
“Imagine yung ID mo nandoon. Yung pangalawa mong ID is your vaccine card kasi kailangan mong magpakita ng ID kung sino ka kapag nagpapabakuna ka. Pwede silang magbukas ng extra GCash account na hindi mo alam, bagong telephone number. Pero ikaw pa rin ‘yun. Magregister ng SIM Card. Gamitin ng POGO para sa masasamang agenda, pwede nilang gawin ‘yun. So maraming dangers,” dagdag ni Cruz.
DOH, nakikipag-ugnayan na sa WHO at DICT kasunod ng pagleak ng COVID-19 vaccination data ng bansa
Kinumpirma naman ng Department of Health na nakatanggap ito ng mga ulat na ang COVID-19 vaccination data ng Pilipinas ay nakompromiso.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DOH sa WHO at Department of Information Communications Technology upang malaman ang lawak ng nasabing data breach.
“The Department of Health is in closed coordination with the World Health Organization and Department of Information Communications Technology to ascertain the veracity of this report and as well as to determine the extent of any possible data breach and the appropriate interventions should there be any,” saad ni Sec. Teodoro Herbosa, Department of Health.
Sa kabila ng hacking incident, ipinunto ni Health Secretary Teodoro Herbosa na nakalagay ang lahat ng mekanismo upang masiguro ang confidentiality ng mga nasabing datos.
Gumawa na rin ng hakbang ang DOH ani Herbosa upang palakasin pa ang seguridad ng kanilang mga data system.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga Pilipino na manatiling alisto sa gitna ng nasabing insidente ng pangha-hack.
“The Department of Health calls on the public to remain vigilant and to take steps to secure their personal and private information through their own efforts. Think before you click,” ani Herbosa.