‘Mind conditioning’ vs kandidatura ni BBM sa 2022 elections, ibinababala

‘Mind conditioning’ vs kandidatura ni BBM sa 2022 elections, ibinababala

NAGBABALA ang isang anti-election fraud advocate laban sa ‘mind conditioning’ na nangyayari ngayon laban sa kandidatura ni Bongbong Marcos.

Number 1 sa nagdaang Publicus, SWS at Pulse Asia survey ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Sa resulta ng mga ito, hindi bumababa sa 50% ang voter preference na nakuha ng dalawa.

Ibig sabihin, majority ng mga botante ang nais manalo sina Bongbong at Sara.

Habang number 2 lagi si Vice President Leni Robredo.

Ngunit kahit tingin ng nakararami na ganoon lang kasimple ang pakahulugan ng latest survey results, iba ang basa dito ng isang eksperto.

Sa panayam ng SMNI News kay Atty. Glenn Chong, isang anti-election fraud advocate, may nangyayari nang ‘mind conditioning’ dito.

At ito ay laban sa kandidatura ni BBM.

Para kay Atty. Chong, hindi mahihirapan ang sambayanan na tanggapin ang resulta ng eleksyon kahit man madaya si BBM.

At ang makikinabang dito, ay ang number 2 sa survey.

“Ang mangyayari po niyan sir, mga kababayan ididikit po niya ang numbers. Yun yung first indication po natin na kapag dumikit ang number, bumaba si BBM umangat yung pangalawa yun yung kinokondisyon na nila na isi-switch yun. Matatalo yung isa, mananalo yung pumapangalawa,“ sinabi ni Chong.

Sa obserbasyon din ni Chong batay sa takbo ng campaign period, hindi uubra ang mind conditioning dahil hindi ito matatanggap ng masa.

“No definitely not. And that’s a big warning to the Comelec and Smartmatic. Na kapag dinaya ninyo itong dalawang kandidato na ito, si BBM at si Sara magkakagulo talaga ang buong bansa,” ayon pa kay  Chong.

Nanawagan naman ang Smartmatic na magsalita laban sa isyu ng hacking sa kanilang database.

Ito ay matapos madiskubre at mailathala sa Manila Bulletin ang isyu.

“Anything na pandaraya will be directed against Bongbong and Sara. Because you see si BBM and Sara they have already reached majority- preference ng majority of the Filipinos even if malayo pa ang eleksyon di ba? Consistent si BBM, consistent si Inday Sara,”dagdag pa ni Chong.

Follow SMNI News on Twitter