WALANG pondo para sa inaasam na Mindanao Railway Project sa 2023.
Ito ang nadiskubre sa nagdaang plenary deliberations para sa DOTr budget sa susunod na taon.
Sa pagtatanong ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman, nakuwestyon kung bakit hindi nasali ang proyekto kahit tumaas ang budget para sa rail sector.
Ngayong taon, P23.1 Billion lamang ang budget dito kumpara sa P113. Billion budget sa 2023.
Paliwanag naman ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman Stella Quimbo, anim na railway projects lamang ang mapopondohan sa susunod na taon at hindi kasama rito ang para sa Mindanao.
Diin din nito na patuloy pa ang redesigning ng proyekto kaya hindi ito mapopondohan.
Nasa 102-kilometro ang haba ng proposed Mindanao Railway Project na may rutang Tagum-Davao-Digos.
Mula sa dating 3 at kalahating oras, magiging isang mahigit na lamang ang biyahe mula Tagum papunta Digos oras na matapos ang proyekto.