INIREKOMENDA ng isang kongresista na huwag bawasan ang pondo na ilalaan sa Mindanao.
Ayon kay Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, kung hindi kayang dagdagan ay huwag na sanang bawasan at e-maintain na lang ito.
Mula sa P650 bilyon na budget noong nakaraang taon ay bumaba sa P628 bilyon ang nakatakdang ilalaan sa susunod na taon.
Binigyang-diin pa ng kongresista na dapat hindi mapag-iwanan ang Mindanao at makuha ang pantay na bahagi nito sa national resources.
Kung titingnan din aniya, 17% ang kontribusyon ng annual output ng produkto at serbisyo sa bansa ay mula sa Mindanao at entitle itong makakuha P895 bilyong taunang badyet.
Nanawagan din ang kongresista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na kung maaari ay mapundohan din nito ang proposed railway project sa Mindanao.