Minnesota Timberwolves pasok na sa Western Conference Finals

Minnesota Timberwolves pasok na sa Western Conference Finals

NAKAPASOK muli ang Minnesota Timberwolves sa Western Conference Finals.

Kasunod ito sa pagkapanalo ng koponan sa Game 5 kontra Golden State Warriors sa iskor na 121-110 nitong Mayo 15, 2025 Philippine Time.

Si Julius Randle ang nanguna para sa Timberwolves matapos nag-ambag ito ng 29 points, 8 rebounds at 5 assists.

Si Anthony Edwards ay mayroon ding 22 points, 7 rebounds, at 12 assists.

Si Rudy Gobert naman ay may 17 points; habang may 16 points si Mike Conley; 14 points mula kay Jaden McDaniels; at 13 points mula kay Donte Divincenzo.

Hinihintay na lang ng Timberwolves ang magiging resulta ng laban sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at Denver Nuggets ngayong araw, Mayo 16 dahil kung sino ang mananalo sa dalawa ay makakalaban nila sa Western Conference Finals.

Sa huling game ng Thunder at Nuggets noong may 14, Philippine Time ay panalo ang Oklahoma sa iskor na 112-105.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble