ISANG malaking paalala para sa lahat ng Filipino fans ng South Korean girl group na 2NE1 ngayong Hunyo.
Ito’y dahil hindi lang isa kundi 2 miyembro ng 2NE1 ang tutungo sa bansa.
Sa magiging kauna-unahang Asia tour ng main dancer-lead singer na si Minzy, pupunta ito sa Manila ngayong Hunyo 4, 2023.
Sa anunsiyo, gaganapin ang concert sa New Frontier Theater.
Sa magiging first fan concert naman ng main vocalist na si Bom, Hunyo 10, 2023 itong nakatakdang bumisita sa bansa sa parehong venue ni Minzy.
Samantala, nakatakda rin sanang bumisita ang face of the group na si Sandara sa bansa para maging host ng Epicon 2023 noong Abril 1.
Makakasama niya rito si Minzy bilang performer subalit nakansela nga lang ang event.