‘Wreath laying’ para sa 78th anniversary ng Hiroshima nuclear bombing, isinagawa ng G7 leaders

‘Wreath laying’ para sa 78th anniversary ng Hiroshima nuclear bombing, isinagawa ng G7 leaders

NAGLAGAY ng korona ng mga bulaklak ang mga pinuno ng Intergovernmental Political Forum na Group of Seven (G7) sa Hiroshima City, Japan.

Bilang pag-alala ito ng mga pinuno sa nangyaring nuclear bombing sa lugar, 78 taon na ang nakalilipas.

Magugunitang nangyari ang Hiroshima bombing noong Agosto 6, 1945.

Kasama sa nag-alay ng mga bulaklak sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, French President Emmanuel Macron, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, United States President Joe Biden, German Chancellor Olaf Scholz, British Prime Minister Rishi Sunak, at European Commission President Ursula von der Leyen.

Isinagawa ang ‘wreath laying’ sa Cenotaph for Atomic Bomb Victims in the Peace Memorial Park na itinayo noong 1952.

Samantala, sa magiging talakayan ng G7 ngayong taon, nais ng mga lider ang mas mahigpit na sanctions laban sa Russia.

Ito’y kaugnay pa rin sa pananakop sa bansang Ukraine.

Tutungo rin si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Japan para sumali sa G7 Summit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter