WORRY no more theater fans, dahil nagkaroon muli ng extension ang show dates ng “Miss Saigon” sa bansa.
Sa anunsiyo ng GMG Productions, palalawigin hanggang Mayo 12, 2024 ang show.
Noong Nobyembre 2023 nang unang inanunsiyo ang extension ng show dates hanggang Mayo 5.
Subalit kung matatandaan, Marso 23 hanggang Abril 25 lang ang orihinal na schedules nito.
Ang venue naman ng show ay sa The Theater at Solaire.