HINDI man naiuwi ang inaasam na second crown ng Miss World para sa bansa, nakuha naman ng beauty queen na si Krishnah Gravidez ang Miss World Asia title.
Graceful ang pagrampa ni Krishnah sa entablado suot ang kanyang evening white form-fitting gown na kumikinang-kinang.
Shinowcase din ng kandidata ang kanyang boses sa talent competition. Nakapasok din siya sa top 32 ng sports challenge at inirampa ang isang Palawan peacock-inspired jumpsuit with pride sa Top Model competition! Mayroon itong blue at purple Swarovski crystals na idinesenyo ni Rian Fernandez. Nakuha rin ng outfit ang atensyon ng fashion enthusiasts at naging parte ito ng “Fashion of the World” showcase ng Miss World pageant.
108 contestants sa apat na kontinente ang lumahok sa pageant at isa si Krishnah sa nakapasok sa top 8.
Si Suchata Chuangsri ng Thailand ang nakoronahan bilang Miss World 2025. 1st runner-up si Hasset Dereje from Ethiopia, 2nd runner-Up si Maja Klajda from Poland habang 3rd runner-up naman si Aurelie Joachim from Martinique.
Congratulations sa ating beauty queen, Krishnah Gravidez!