Mitchell at Garland, pinangunahan ang Cavs upang talunin ang Lakers na pinamunuan ni James

Mitchell at Garland, pinangunahan ang Cavs upang talunin ang Lakers na pinamunuan ni James

MATAPOS magbalik sa loob ng court ni Donovan Mitchel dahil sa injury ay umiskor ito ng 33 puntos para pangunahan ang pagkapanalo ng Cleveland Cavaliers kontra sa Los Angeles Lakers na pinangunahan ni LeBron James.

Nag-ambag naman si Darius Garland ng 24 points at nagawang dumistansya ng Cavs mula sa Lakers sa ikalawang quarter kung saan nagtapos ang laro sa iskor na 113-100.

Nagbigay rin si Jarrett Allen ng 16 points para sa Cavaliers para magkaroon ng 8 and 1 standing at kasalukuyan itong pumapangalawa sa Milwaukee Bucks na may 9-0 standing sa Eastern Conference.

Si Mitchel na isang 3-time all-star guard na lumahok sa Cavaliers mula sa Utah Jazz ay umiskor na ng 30 points at higit pa sa anim na walong laro nito simula nang lumipat ito sa Cleveland.

 

Follow SMNI News on Twitter