ISASAMA na sa kauna-unahang pagkakataon ang Mixed Martial Arts (MMA) sa Asian Games 2026 na gaganapin sa Nagoya, Japan.
Ayon sa Olympic Council of Asia (OCA), bahagi ito ng patuloy na pagbubukas ng Asian Games sa mga makabagong sports, gaya ng pagsali noon ng e-sports sa Hangzhou Games noong 2023.
Mananatili rin sa programa ang larong cricket, sa kabila ng mga kontrobersya sa 2023 Games, kabilang ang hindi patas na resulta at pagkakapanalo ng India sa men’s final dahil lamang sa mas mataas nilang ranggo matapos makansela ang laban dahil sa ulan.
Gaganapin ang cricket sa Aichi Prefecture, pero wala pang eksaktong venue.
Ang Nagoya ang magiging ikatlong lungsod sa Japan na magho-host ng Asian Games, kasunod ng Tokyo noong 1958 at Hiroshima noong 1994.
Higit sa 12 atleta mula sa 45 bansa at teritoryo sa Asya ang lumahok sa nakaraang Asian Games sa Hangzhou kung saan nanguna ang China sa medal tally.