MMDA, DILG at PNP naghahanda sa malawakang clearing ops sa Mabuhay Lanes

MMDA, DILG at PNP naghahanda sa malawakang clearing ops sa Mabuhay Lanes

NAGHAHANDA na para sa malawakang clearing operations sa lahat ng Mabuhay Lanes, sa bahagi ng Pasay-Parañaque ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel.

Pangungunahan ni MMDA acting Chairman Atty. Don Artes ang send-off ceremony ng clearing operations.

Kasama sa operasyon ay ang DILG, PNP at mga LGU.

Ang Mabuhay Lanes ay nagsisilbing alternative routes ng mga pribadong sasakyan para maiwasan ang congestion sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Layunin ng operasyon na maging malinis at walang sagabal sa mga kalsadang dadaanan ng mga sasakyan.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter