TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakahanda silang tumugon sa muling pag tigil-pasada ng grupo ng transportasyon simula ngayong araw.
Nitong nakaraang linggo nang inanunsiyo ng grupong Manibela at PISTON na magsasagawa sila ng tigil-pasada mula ngayong araw na magtatagal hanggang sa Disyembre 29.
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, magbibigay sila ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaaring maapektuhan ng protesta.
Mayroon din aniyang inter agency task force para sa Tigil-Pasada Monitoring and Command Center sa MMDA para mabilis na matugunan ang mga lugar na apektado.
Mababatid na sa nakaraang tigil-pasada ay sinabi ng transport sector na hindi naparalisa ang pampublikong transportasyon.
Maliban kasi sa MMDA ay tinapatan ng libreng sakay ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ang ikinasang tigil-pasada.