NAGTUNGO ang MMDA Cadaver search and rescue (SAR) groups sa Sitio Mabuhay, Barangay San Luis sa Malitbog, Bukidnon.
Ito ay upang tumulong sa isinasagawang search and retrieval operations sa tatlong tao na pinaghahanap matapos matabunan ng gumuhong lupa doon.
Sa unang araw ng deployment ng mga ito, sinabi ng MMDA na nagkaroon sila ng operations briefing kasama si Malitbog Mayor Gary Casiño para sa kanilang misyon.