COVID 7-day positivity rates sa NCR at CALABARZON, bumaba –OCTA

COVID 7-day positivity rates sa NCR at CALABARZON, bumaba –OCTA

BUMABA ang COVID-19 7-day positivity rates sa National Capital Region (NCR) hanggang nitong Oktubre 22, 2022.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 12.3% ang 7-day positivity rates sa NCR mula sa 14.9% noong Oktubre 15, 2022.

Bumaba rin ang positivity rate sa CALABARZON kabilang ang Batangas, Cavite at Laguna.

Habang nakapagtala ng mahigit 20% o high positivity rates sa Camarines Sur, Isabela, La Union, Misamis Oriental, Rizal, South Cotabato at Tarlac.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa covid testing.

Follow SMNI NEWS in Twitter