IPINAGPATULOY na muli ng Philippine Statistics Authority–Antique Provincial Statistical Office ang mobile registration para sa national ID.
Nagsimula ito noong Mayo 20, 2025 bilang tugon sa tumataas na demand ng national ID sa mga social protection program ng gobyerno.
Pinapaalalahanan ang mga aplikante na magdala ng kanilang birth certificate o anumang government-issued ID na may pangalan, lagda, kasarian, at petsa ng kapanganakan sakaling magpaparehistro.
Libre ang pagpaparehistro sa PSA Registration Center sa ground floor ng Eagle’s Hotel Building, Bantayan Road, San Jose, Antique, araw-araw mula 8am–5pm.