Mohit Dargani, Linconn Ong, walang special treatment sa Pasay City Jail

WALANG magiging special treatment para kay Mohit Dargani at Linconn Ong ng Pharmally para sa Pasay City Jail.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Chief Inspector (JCINSP) Xavier Solda, isolation area lang umano ang hiwalay na pasilidad na para lang sa mga bagong PDL na sasailalim sa quarantine bago makihalo sa general population.

Ibig sabihin ayon kay Solda, walang-wala talaga silang pasilidad na masasabing ilalaan para sa dalawa kung kaya’t matitiyak na walang special treatment.

Patas lang aniya ang pagmamalasakit ng BJMP sa lahat.

Ibinahagi pa nito na 1000% congested ang pasilidad at may kabuoan itong 1, 104 na kasalukuyang PDLS.

SMNI NEWS