Moonstar88 ipagdiriwang ang 25th anniversary ng “Torete” sa isang concert

Moonstar88 ipagdiriwang ang 25th anniversary ng “Torete” sa isang concert

SINO ang hindi nakakaalam ng kantang “Torete”? Aba, kahit anong generation ka pa belong—I bet alam mo ang song na ito!

This year, ipagdiriwang ng Moonstar88 ang 25th anniversary ng kanilang iconic hit sa isang special concert!

Gaganapin ang free concert sa Eton Centris Walk, Quezon City ngayong Mayo 24. Open ang mga gates mula 3 PM, kaya unahan na sa pagkuha ng best spot!

At hindi lang basta concert dahil kasama ang Metro Manila Concert Orchestra para sa isang epic musical experience! Mababalik-tanaw ang fans sa kanilang mga hit songs, lalo na ang “Torete,” na parte ng album nilang Popcorn na unang lumabas noong 2001.

Ang event ay handog ng Eton Centris, Soupstar Music, Redlines Productions, at Eton Properties Philippines Inc.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble