SA ilalim ng superbisyon ng Northern Police District (NPD) sa pangunguna ni PBGen. Rizalito G. Gapas, katuwang ang Malabon City Police Station sa pangangasiwa ni PCol Jay B. Baybayan, arestado ang most wanted person ng lungsod.
Ang suspek ay isang lalaki, 21 taong gulang at residente ng Malabon City.
Bandang alas-5 ng hapon nitong Setyembre 30, 2024 nang makorner ang suspek sa Sitio 6, Sapadaca St., Brgy. Catmon, Malabon City ng mga personnel ng Sub-Station 4 bitbit ang warrant of arrest.
Nahaharap ang suspek sa kasong Robbery o paglabag sa Art. 299 ng Revised Penal Code.
Patuloy ang monitoring ng PNP sa kanilang nasasakupan kasabay ng paalala sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang kilos ng isang tao para mapigilan ang paglaganap ng krimen sa lugar.