Pagkunsumo ng pagkaing mayaman sa calcium, ipinanawagan ng DOST

Pagkunsumo ng pagkaing mayaman sa calcium, ipinanawagan ng DOST

HINIHIKAYAT ngayon ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang mga Pilipino na kumain ng calcium-rich na mga pagkain.

Halimbawa dito ang maliliit na mga isda, shellfish, green leafy vegetables, cereals at dairy products.

Mainam din ang regular na pag-inom ng Vitamin D at sapat na exposure sa araw para mai-activate ang produksiyon ng naturang bitamina sa katawan.

Ayon sa DOST-FNRI, sa pamamagitan nito ay malalabanan ang calcium deficiency ng mga Pilipino na nagiging sanhi para tumaas ang bilang ng mayroong osteoporosis sa bansa.

Sa 2021 Expanded National Nutrition Survey, nasa 97.2 percent ng Pinoy adults at 95.5 percent ng senior citizens ang mayroong calcium deficiency.

Ang buwan ng Oktubre ay Osteoporosis Month ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble