Motorcycle riders na mahuhuling sisilong sa ilalim ng mga tulay, footbridges, at MRT kapag umuulan, pagmumultahin—MMDA

Motorcycle riders na mahuhuling sisilong sa ilalim ng mga tulay, footbridges, at MRT kapag umuulan, pagmumultahin—MMDA

SIMULA ngayong araw, Agosto 1, pagmumultahin na ang mga motorcycle rider na mahuhuling sisilong sa ilalim ng mga tulay, footbridges, at MRT stations kapag umuulan.

Sa ilalim ng single ticketing system, P1,000 ang multa sa mga lalabag sa obstruction.

Ito ang inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Don Artes sa kaniyang Facebook post.

Ani Artes, ipinagbabawal nila ang pagtambay at paghihintay sa gitna ng daan para magpatila ng ulan sapagkat ito ay delikado at nagdudulot ng traffic congestion.

Dagdag pa nito na matagal nang may umiiral na batas laban sa obstruction.

At maaari itong ipatupad ng kanilang ahensiya kahit anong oras o araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble