TATAAS pa ang presyo ng bigas dahil sa tumataas ang presyo ng mga imported rice.
Ito’y sa harap ng pag-ban ng exports ng India.
Ito ang inihayag ng chairman ng Agricultural Group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Rosendo So.
Ayon naman sa mga stakeholder ng bigas na tumaas ang presyo ng bigas mula Vietnam, Thailand, at India, na nagdulot ng pagtaas ng imported na bigas sa bansa.
Gayunpaman, sinabi ng Federation of Free Farmers na maaaring hadlangan ng rice tarrification law sa planong pagtaas ng presyo ng bigas.
Samantala, inamin ng Department of Agriculture (DA) na lumiliit ang stock ng bigas ng National Food Authority (NFA), na may 1.56 na araw na lamang ng supply.
