MOTORCYCLE riders ang numero unong lumalabag sa EDSA Bus Lane policy ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Batay sa datos ng MMDA na sa 1,051 sasakyang nahuli mula Enero hanggang Marso ngayong taon dahil sa pagdaan sa bus lane, 783 dito ang motor.
Nasa 205 naman ang nahuling kotse, 29 van, 21 taxi, at 13 iba pang uri ng sasakyan.
Sabi ng MMDA na ang pagpapatupad ng polisiya at iba pang batas-trapiko at regulasyon ay upang mapanatili ang kaayusan at mapabilis ang daloy ng sasakyan sa Metro Manila na pinangangasiwaan ng ahensiya.
Dagdag ng ahensiya na marami pang ilalatag na hakbangin ang pamahalaan para maibsan ang bigat ng trapiko.