Motorcycle Riding Academy, tugon sa dumaraming aksidente ng motorsiklo

Motorcycle Riding Academy, tugon sa dumaraming aksidente ng motorsiklo

MALAKING tulong ang itatayong Motorcycle Riding Academy na magkaroon ng disiplina sa kalsada ang mga rider ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Higit sampung libong road accident ang naitala ng MMDA na kinasasangkutan ng mga motorsiklo mula Enero hanggang Mayo ngayong taon sa Metro Manila.

Dahil dito tiniyak ni MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes ang mabilis na pagtatayo ng Motorcycle Riding Academy sa Pasig City.

Inaasahang matatapos at mabubuksan ito sa ikatlong quarter ng 2023.

Sabi ni Artes na mahalaga ang pasilidad na ito upang maturuan ang mga rider ng disiplina sa kalsada at tamang pagmamaneho ng motor.

“Talagang iensure namin na matututo sila para nga po, nakikita namin kasi medyo marami po o may ilan pa po na kulang sa disiplina. Baka rin naman po kulang lamang sila sa kaalaman kaya nangyayari iyon,” pahayag ni Atty. Romando Artes, Acting Chairman, MMDA.

“Ito po ay isa sa tugon natin para maiwasan ‘yung aksidente at magkaroon ng disiplina yung mga motorcycle riders,” dagdag ni Artes.

Bukas sa lahat ng interesadong matuto ang dalawang araw na Motorcycle Safety Training Course ng MMDA na magbibigay ng tamang training at basic knowledge.

Sa ilalim ng training course, matutunan ng mga rider ang iba’t ibang traffic rules, disiplina sa kalsada, necessary driving skills para sa pag-iwas sa aksidente at basic response sa panahon ng emergency.

Libre at walang babayaran dito.

Sa oras na gagradweyt, tatanggap ng certificate at badge ang mga sumailalim sa training course.

Mga gagradweyt sa motorcyle riding academy, prayoridad sa trabaho ng ilang ride-hailing company

May ugnayan naman ang MMDA at ilang motorcycle hailing company para sa mga gagradweyt sa Motorcycle Riding Academy.

 “Mayroon po kasi tayong ugnayan sa Angkas at Joyride at iba pang rail-hiding app na paggradweyt po dito ay bibigyan ng priority sa employment po sa kanila,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter