Motoristang 3 beses nasangkot sa road rage sa QC, humarap sa pagdinig ng LTO-NCR

Motoristang 3 beses nasangkot sa road rage sa QC, humarap sa pagdinig ng LTO-NCR

HUMARAP sa Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) si Jessie Virtudazo, ang motoristang viral sa social media.

Si Virtudazo ay tatlong beses nasangkot sa magkahiwalay na road rage incident sa Quezon City simula noong Disyembre 2023 hanggang ngayong Enero 2024.

Enero 5, 2024 nang padalhan ito ng show cause order (SCO) ng ahensiya para sa unang road rage incident nito.

Nagpaunlak naman ito ng panayam sa media bago magsimula ang pagdinig at iginiit na hindi siya takot sa mga akusasyon na ipinupukol sa kaniya.

“So, here’s my message sa lahat ng mga taong ‘yan or kung sinuman kayo diyan may mga threat o whatsoever. This is what I can tell you, I am his champion. So, kung kahit anong gawin niyo diyan, kahit patayin niyo pa ako sa kalsada, I will still rise up again,” ayon kay Jessie Virtudazo.

Mabilis lamang natapos ang pagdinig na hindi umabot ng 30 minuto.

Hindi na nagpaunlak ng panayam sa sa media si Virtudazo matapos ang hearing.

Sinabi ni Hanz Lim, assistant regional director ng LTO-NCR, mabilis lang natapos dahil bigo ring ipresenta ng motorista ang kaniyang affidavit.

Hindi rin nito dala ang lisensiya na dapat araw ng Miyerkules niya kailangang isuko matapos mapatawan ng tatlong buwan na suspensiyon batay sa nakasaad sa unang SCO nito.

“Wala siyang dala today, pero na served natin ‘yung, natanggap niya ang 2nd and 3rd show cause, willing naman siya mag-submit ng affidavit with notarize. Hindi natin madesisyunan hangga’t wala pa ‘yung affidavit,” ayon kay Hanz Lim, Assistant Regional Director, LTO-NCR.

Hanggang Enero 24 lamang ang binigay na palugit sa motorista upang makapagsumite ng affidavit.

Pero, sa oras na bigo itong makapagbigay ng kaniyang affidavit na patunay na wala itong kasalanan ay maaaring pagbasehan ng ahensiya desisyon sa tatlong videos ng road rage incident nito.

“Base sa video kaya sinama natin ‘yung proper person to operate of motor vehicle nandoon sa violation niya sa show cause base sa video dahil sa paulit-ulit na sinasabi na ‘yung character, attitude at discipline sa kalsada lalo na’t na post sa social media ‘yung road…Mainit ang ulo. Once recommended (So posible na ma-revoke ang lisensya), opo,” dagdag ni Lim.

Ipinagbawal na ng LTO si Virtudazo na magmaneho ng anumang uri ng sasakyan.

Naka-alarm na rin ang ginamit nitong sasakyan sa insidente.

Samantala, una na ring humingi ng pang-unawa ang ina ni Virtudazo dahil may mental health condition umano ang kaniyang anak.

Sa ibinahaging medical certificate na-diagnose na may bipolar affective disorder ang anak noong Enero 6 na marahil ang dahilan ng asal nito sa kalsada.

Pero, ayon naman sa LTO-NCR,

“Ire-refer namin sa, siguro baka maglagay tayo ng resolution with recommendation sa specialist, sa doctor for the further check-up kung fit to drive siya kasi hindi natin ma-determine kung if ever may medical condition ang isang tao talaga,” ani Lim.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble