Mt. Kamuning Footbridge sa Quezon City, gigibain at papalitan ng bagong disenyo ng DOTr

Mt. Kamuning Footbridge sa Quezon City, gigibain at papalitan ng bagong disenyo ng DOTr

Gigibain at papalitan ang Mt. Kamuning Footbridge sa Quezon City, na kilala rin bilang Scout Borromeo–NIA South Road Footbridge ng Department of Transportation (DOTr) upang mapabuti ang accessibility at kaligtasan ng mga naglalakad.

Ang kasalukuyang footbridge ay may taas na 9 metro at kilala sa pagiging matarik, na nagiging mahirap daanan para sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga magulang na may kasamang bata. Dahil dito, tinawag itong “Mt. Kamuning” at naging paksa ng mga biro at online na puna.

Ayon sa DOTr, ang bagong disenyo ng footbridge ay magkakaroon ng elevator at direktang koneksyon sa GMA-Kamuning EDSA Busway Station.

Inaasahan na sisimulan ang konstruksyon ng bagong footbridge ngayong taon upang mapabuti ang daloy ng mga tao at mapadali ang pag-access sa pampasaherong bus.

Ang pagpapalit ng Mt. Kamuning Footbridge ay bahagi ng mas malawak na plano ng DOTr na mapabuti ang mga pasilidad para sa mga naglalakad at mapadali ang pag-access sa pampasaherong sistema sa buong Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter