INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang opisyal na film ratings para sa lahat ng entries ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Batay sa inilabas ng MTRCB, General Audience o angkop sa lahat ng mga manonood ang ratings ng “Family of Two” at “Penduko”.
Parental Guidance o kailangan ng supervision ng magulang o matatanda ang ratings ng “Becky and Badette”; “Broken Hearts Trip”; “Firefly”; “GOMBURZA”; “Rewind”; at “When I Met You in Tokyo”.
Samantala, rated Restricted-13 ang “Kampon” at “Mallari”.
Para sa latest na film at television ratings ay maaring bisitahin ang mtrcb.gov.ph o i-follow ang MTRCB sa Facebook at Instagram.