POSIBLE ang muling pagpapatupad ng price rollback sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ito ay batay sa resulta ng unang 4 na araw ng trading mula Pebrero 6-9, 2023.
Tinatayang mula P0.05-P0.15 ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng gasolina o posible ring hindi gagalaw ang presyo nito.
Mula P2.25-P2.55 naman ang inaasahang bawas sa kada litro ng diesel habang mula P2.35-P2.65 sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang malalaman ang eksaktong rollback ngayong araw ng Lunes, Pebrero 13, 2023.