NAGBIGAY ng serbisyong medical sa halos 200 homebound persons with disabilities (PWDs) ang Muntinlupa City.
Sa ilalim ito ng kanilang Oplan Bisita Program kung saan isinasagawa ang checkups hanggang palliative care sa mga benepisyaryo.
Saklaw rito ang physical assessment and therapy, occupational assessment and therapy, medical and palliative care check-up, and mental health counseling.
Ang mga lugar na nabisita na ng Muntinlupa LGU ay ang Barangay Alabang, Cupang, Buli, Bayanan, Tunasan, Poblacion, Sucat, at Putatan.