MAGKAKAROON ng music comeback ang K-pop girl group na NewJeans ngayong Mayo.
Sa anunsiyo, double single ang ire-release sa Mayo 24.
Sa Hunyo 21 naman ay nakatakda na ang kanilang Japanese debut sa pamamagitan muli ng pagpapalabas ng double single.
Sa Hunyo 26 at 27 ay gaganapin na rin ng grupo ang kanilang fan meet sa Japan at may pamagat itong “Bunnies Camp 2024”.
Ang huling music release ng NewJeans ay noong Disyembre 2023.