PAGBABALIK ng Korean girl group na Red Velvet, nalalapit na.
Sa anunsiyo, mapakikinggan na ang kanilang 7th mini album na may pamagat na “Cosmic” sa Hunyo 24, 2024.
Kasabay rito, tutungo naman ang grupo sa Pilipinas ngayong Setyembre 14.
Magiging venue sa kanilang fancor tour ay ang Mall of Asia Arena.
Ito na ang muling pagbabalik ng grupo sa Pilipinas matapos ang kanilang kauna-unahang solo concert sa bansa noong Mayo 7, 2023.