MWSS, hindi nakikitang magkakaroon ng water shortage hanggang katapusan ng 2025

MWSS, hindi nakikitang magkakaroon ng water shortage hanggang katapusan ng 2025

TIWALA ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi magkaroon ng kakapusan sa suplay ng tubig hanggang sa katapusan ng 2025.

Ito ang inihayag ni MWSS Acting Deputy Administrator Engr. Patrick James Dizon sa harap aniya ng mga pangambang magkaroon ng water shortage bunsod ng matinding init ng panahon na simula nang nararanasan ngayon.

Ipinabatid ni Dizon na karaniwang tumataas ang tinatawag na water demand o paggamit ng tubig tuwing summer o sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo.

Maliban dito, humihina din ang pag-uulan sa mga watershed na siyang pinagkukunan ng tubig sa mga dam.

Gayunpaman, dahil na rin sa epekto ng masamang panahon o shear line o amihan nitong mga nakaraang buwan ay nakapag-ipon ng tubig sa mga dam.

Kaya naman, pagtitiyak ng MWSS, hindi makararanas ang bansa ng anumang water shortage hindi lamang sa summer, kundi hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble