TRENDING sa Philippine Music sa ikaapat na puwesto ang “My Only Wish” music video ni Lisa ng Blackpink.
Ito’y matapos nai-upload ng singer-dancer ang Britney Spears’ song cover na ito noong Disyembre 25 sa kaniyang YouTube channel na Lilifilm.
Kung pagbabatayan naman ang views nito, sa loob lamang ng 21 oras ay nakakuha na agad ng 2.95 million views ang song cover ni Lisa kung kaya’t hindi na nakapagtataka na trending ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo.
Maliban pa kay Lisa ay nag-release rin ng mash-up song cover ng kantang “Snow” ni Zion.T at “Snowman” ni Sia si Jennie.
Uploaded ito sa YouTube channel ng singer-rapper na Jennierubyjane official.
Mahigit 4.2-M na ang views nito.