WALANG Pilipinong nasawi o nasugatan sa naganap na shooting incident kamakailan sa isang unibersidad sa Prague ayon sa Philippine Embassy ng Czech Republic.
Ito’y kahit mayroong anim na Filipino student ang nasa Charles University kung saan naganap ang insidente.
Sa ngayon ay ibinahagi ng Philippine Embassy na patay na ang gunman at “contained” na ang sitwasyon.
Nang mangyari ang insidente ay 10 ang namatay at dose-dosena ang sugatan.