“My SHINee World” ng SHINee, mapapanood na sa Pilipinas

“My SHINee World” ng SHINee, mapapanood na sa Pilipinas

MAPAPANOOD na sa Pilipinas ang documentary movie ng South Korean boy group na SHINee simula Nobyembre 17-19, 2023.

Noong Nobyembre 7 na nagsimula ang ticket selling para sa docu movie na makikita exclusively sa SM cinemas.

Sinasabing ang docu movie ay handog ng grupo para sa kanilang fans bilang pagdiriwang sa kanilang ika-15 anibersaryo.

Mapapanood sa docu movie na may pamagat na “My SHINee World” ang exclusive interviews at never-before-seen clips ng grupo mula sa kanilang nagdaang mga concert hanggang sa kasalukuyan.

Highlighted din sa docu movie ang solo concert performances ng bawat miyembro kasama na ang memorable stage at acts ng namayapa nilang main singer na si Jonghyun.

Ang SHINee ay binubuo nina Onew, Key, Minho, Taemin, at ang namayapang si Jonghyun.

Sikat ang SHINee sa mga kanta tulad ng “Ring Ding Dong”, “Sherlock”, “View”, at “Replay”.

Noong Agosto 30 ay inilabas na rin ng South Korean boy group na NCT 127 sa pamamagitan ng Disney+ ang unang dalawang episodes ng kanilang docu series na may pamagat na “The Lost Boys”.

Ang dalawang natitirang episodes ay inilabas naman noong Setyembre 6.

Sentro sa docu series ang buhay ng mga miyembro ng NCT 127 mula sa kanilang pagkabata hanggang makamit nila ang tagumpay ngayon sa music industry.

Ang NCT 127 na binubuo nina Taeil, Taeyong, Johnny, Yuta, Doyoung, Jaehyun, Jungwoo, Mark, at Haechan ay isang sub-unit ng 20-member group na NCT.

Sikat ang NCT 127 sa mga kanta tulad ng “Kick It”, “Cherry Bomb”, “Favorite”, at “Sticker”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble