Naarestong isa sa mga utak umano sa pagpatay kay Gov. Degamo at konektado kay Cong. Teves, pinangalanan na ng DOJ

Naarestong isa sa mga utak umano sa pagpatay kay Gov. Degamo at konektado kay Cong. Teves, pinangalanan na ng DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na isang military reservist na nagngangalang Marvin Miranda ang isa sa mga mastermind o middleman na ngayon ay nakakustodiya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Miranda ang nagrecruit ng mga gunmen, nag-provide ng mga armas at kasama sa mga nagplano kung paanong papatayin si Degamo.

Naniniwala rin si Remulla na itong si Miranda ay may direktang koneksiyon kay Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Umaasa naman ang kalihim na pormal nang maisasampa ang mga kaso ngayong araw laban sa mga suspek sa pagpatay kay Degamo at sa 8 iba pa.

Magugunitang naunang sinabi ng kalihim na kabilang din sa ikinokonsidera bilang mga masterminds ang magkapatid na dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves at Cong. Arnolfo Teves, Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter