Nabakunahan ng Sinovac vaccine sa Malaysia, makakakuha ng comirnaty vaccine bilang booster shots

Nabakunahan ng Sinovac vaccine sa Malaysia, makakakuha ng comirnaty vaccine bilang booster shots

MAKAKUHA ng comirnaty vaccine ng Pfizer-Biontech bilang booster shot ang mga nabakunahan ng Sinovac vaccines sa Malaysia.

Inihayag ni Health minister Khairy Jamaluddin na ang nakatanggap ng bakunang Sinovac ay makakatanggap ng Pfizer Biontech Comirnaty vaccine bilang booster shots.

Ayon sa Health Minister ibibigay ang booster doses sa mga nabakunahan ng Sinovac tatlong buwan na ang nakalilipas.

Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na paghahaluin ang mga bakuna kontra COVID-19, kung saan ang isang indibidwal ay tatanggap ng ibang bakuna mula sa unang dalawang doses.

Bukod pa rito, sinabi ni Khairy na bilang pasimula, ang heterologous booster dose ay ibibigay sa mga indibidwal na may edad 60 pataas batay sa rekomendasyon ng Strategic Advisory Group of Experts (SAGE).

Samantala, sinabi ni Khairy na ang karapat dapat para sa booster shot ay aabisuhan para sa isang appointment sa pamamagitan ng mysejahtera app.

SMNI NEWS