RUMAMPA ang Pinay actress na si Nadine Samonte sa ginanap na Milan Fashion Week nitong Pebrero 25 hanggang Marso 3, 2025.
Ito’y matapos bigyang oportunidad ng Pinoy fashion designer na si Norman Acuba na magsilbing ‘finale’ ang aktres sa kaniyang show.
Ani Samonte, maituturing niyang ‘best gift ever’ ito dahil noong Marso 2, kasabay ng kaniyang pagrampa ang kaniyang birthday.
Kaugnay rito, rarampa ulit si Samonte sa Paris Fashion Week ngayong Marso 9.