Nadiskaril na tren ng PNR sa Makati, nakaapekto sa 13k pasahero

Nadiskaril na tren ng PNR sa Makati, nakaapekto sa 13k pasahero

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na nakapagtala sila ng libu-libong pasahero na apektado sa nadiskaril na tren sa lungsod ng Makati, kamakailan.

Sa pagtataya ng PNR, umabot sa 13,000 pasahero ang naapektuhan dahil sa limitadong operasyon nitong Abril 19.

Aminado ang pamunuan ng PNR na malaki ang kanilang inilugi sa kanilang operasyon matapos ang insidente sa pagitan ng Dela Rosa at EDSA stations noong Martes.

Sa monitoring ng PNR, tumatakbo sa ngayon ang tren mula Governor Pascual Station sa Malabon City patungong Tutuban sa Tondo, Maynila.

At mula naman sa Tutuban patungo sa Dela Rosa Station sa Makati City.

May biyahe rin mula sa EDSA station patungong Alabang sa Muntinlupa City o vice versa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter