ISA na lamang mula sa 955 police general at colonels ang tumangging maghain ng kanyang courtesy resignation.
Bagama’t 12 senior police officials pa ang hindi nagpasa ng resignation, nilinaw ni Interior Secretary Benhur Abalos na 5 dito ay nagretiro na at 6 ang retirees.
Sa press briefing, sinabi ni Abalos na ginagalang nila at hindi bibigyan ng parusa ang nag-iisang opisyal na tumangging magsumite ng kanyang courtesy resignation.
Gayunpaman, aalamin aniya nila ang dahilan ng pagtanggi nito sa kanilang apela.